Twitter? Hanggang kailan mo ba isisiwalat sa mundo
ang lahat ng nangyayari sa buhay mo, halos lahat. Kailangan bang i-tweet
kada minuto o segundo lahat ng gusto mong sabihin? Kaya pati love story
niyo ng boyfriend mo na natuldukan na, halos nakumpleto mo na sa
twitter account mo. Sa twitter na follow ka ng follow sa mga artista at
nagbabaka sakaling ifollow back ka at ire-tweet ang mga pinagpopost mong
ambisyosang palaka ka. Sa facebook naman, add ka ng add ng mga hindi mo
kakilala at magpapalike ka sa kanila ng picture ng kaibigan mong kasali
sa isang contest na paramihan ng like na dinaig pa ang text votes sa
mga contest sa telebisyon ng bonggang bongga.
Alam mo ba kaibigan, ginawa ang social networking sites hindi para ipagmalaki mo sa buong mundo kung anong kinakain mo ngayon, “Ang sarap ng ulam, tuyo with kamatis. Yummy!” kung nasaan ka man, “I’m here at Quiapo with the snatchers.” o kung anong nararamdaman mo, “Ang sakit ng lalamunan ko, My gawd!” At kulang nalang eh pati ang paghinga kada segundo, sasabihin pa.
Kung ako rin naman, aaminin ko na gumagamit ako ng twitter, minsan
ganyan din ako. Pero hindi lahat ng dapat kong gawin, kailangan ko pang
i-post dun.
Diary ‘kuya? Oo ginawa nga’‘to para ipahayag ang saloobin, pero konting
limitasyon naman kaibigan. Hindi lahat interesado sayo. At kung
mamalasin ka pa, baka ito pa ang maging dahilan ng ikapapahamak mo. Sa
kakapost mo ng walang kwentang bagay, baka may naiinis na sayo at balak
ka ng patayin. Pero sige lang, malay mo kapag nabalitang napatay ka,
mag-trend ka sa twitter at facebook. Ila-like nalang namin at
irere-tweet pa.
Sa panahon natin ngayon, usong-uso ang panganib. Maging responsable
sana tayo sa mga kilos at pananalita na binibitawan natin sa mundo ng
internet. Payong kaibigan lang, hindi naman masamang makipagkaibigan
kung kani-kanino. Pero dapat alamin mo rin kung sino ang dapat
pagkatiwalaan. Wag magpaloko o maging bulag sa Profile Picture niyang
naka Japan-japan, hindi mo alam eh poser pala yan.
Hindi mahalaga kung marami kang friends sa Facebook o maraming kang
followers sa Twitter, maging sa Tumblr. Ang tunay na mahalaga, eh
maipakita mo sa maraming tao na isa kang magandang ehemplo bilang isang
indibidwal.
Teka bago magkalimutan kaibigan, follow nniyo naman ako here..Hahahahahaha. Thanks! ;)
http://twitter.com/serdavemercado
No comments:
Post a Comment